A pre-valentine wish list. Since inspired ako today, wag niyo ako echusin. FEEL KO MAG-POST. BAKIT BA?! HAHAHA~~
1. He has to be really funny. Para hindi boring kasama at walang dull moments.
2. Smart. Para kahit anong topic pag-usapan namin, may masasagot siya. STREETSMART to be exact. Hindi lahat ng bagay nakukuha sa libro at internet. Yung iba, nakukuha sa experience. Sabi nga nila, we are learning continuously. I want to learn and discover new things para hindi stagnant.
3. Marunong makisama. I think every girl wants to have a guy who can easily adopt sa environment. Hindi naman kasi maganda na pulos kayo lang dalawa. EWW yun. Masyado na kayong na-i-isolate. Hindi na kayo nag-go-grow. Maghiwalay kayo ng konti, baka magkapalitan na kayo ng mukha.
4. Dapat palaging may bago… ‘yung hindi nga expected kung ano ang gagawin niya. Para naman kahit paano hindi kayo madaling magsawa sa pagsasama niyo. Masawain pa naman akong tao. LOL!~
5. Honestly, ayoko talaga ng taong makulit. Madali lang maubos ang pasensya ko sa ganyan. Pero minsan, nakakatuwa din palang kinukulit ka. FEELING MO TULOY, SPECIAL KA. :)
6. Hindi ko masyado gusto pag yung lalaki inaako ang lahat. Ako na bayad pamasahe. Ako na bayad pagkain. Ako na bigay load. Ako na. Ako na. Ikaw na. Ikaw na nga. Feeling ko wala akong kwenta, syempre pera mo yan, gastusin mo ng tama. KKB tayo ha.
7. Sweet, thoughtful and caring. Ipokrita ako kung sasabihin kong ayoko ng mga qualities na i-yan. Syempre, palaging andiyan yan. Wag lang sumobra, nakakasuka kasi.
8. Masalitang maingay. Gusto ko talaga ng maingay. Nakakabingi ang katahimikan kasi. Ayokong mabingi. Yung hindi nga nauubusan ng topic, di ba para pair kami. Pwede na kami magsimula ng rally diyan sa may kanto banda.
9. May paninindigan. Pag sinabi niya, gagawin niya. Pag may pinangako siya, tutuparin niya. Para magkaintindihan kaming dalawa. Maunawain akong tao, pero lahat ng bagay, may hangganan.
10. Honest. Ito talaga ang importante sa lahat. Ayoko talaga sa lahat ang taong sinungaling. Dahil ang tiwala ng isang tao, FRAGILE. Pag nabasag, mahirap ng pagtagpi-tagpiin. Kaya kahit brutally honest siya, okay lang. Sabihan man ako ng pangit, makulit, maingay at nakakairita, chox lang. Atleast, alam kong totoo siya at hindi niya ako inuuto lang.
THAT’s ALL. Thank you. Atleast, nalabas ko lahat. SALAMAT TUMBLR. Kung babasahin mo man ito, wag mo akong huhusgahan ha. :)